top of page

Ola Harassment Fighters Action Team

MEDYO MAHABA PO ITO, BUT PLEASE TAKE TIME TO READ! Magandang Gabi, Ola Fighters! Ngayong araw, ay binou namin ang team na naglalayon na hanapin, kausapin at himukin ang mga biktima ng OLA na mayroong malubhang kaso, katulad ng: -Mga nakapagbayad na ngunit sinisingil parin ng ola. -Mga nabaon sa utang sa kaka partial payment sa mga ola. -Mga nawalan ng trabaho/ natanggal sa trabaho dahil sa mga ola. -Mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa mga OLA. -Mga na hospitalized/nagkasakit dahil sa mga OLA. Kung isa po kayo sa mga nabanggit, makipagtulungan po kayo sa amin, ihanda ang inyong mga ebidensya. Mga matibay na ebidensya. Maari nyo pong kontakin or makipag ugnayan po kayo sa mga members ng OLA HARASSMENT FIGHTERS na may profile picture ng logo na katulad ng nasa picture sa baba. Kung kayo naman ay handa tumulong sa grupo at gusto nyo maging ka bahagi ng OLA HARASSMENT FIGHTERS ACTION TEAM, maari po ninyong i message ang admins at ipapaliwanag po namin sa inyo ang inyong gagawin. PAALALA: ANG LAHAT NG LEGAL NA HAKBANG NA GINAGAWA NG GRUPO, AY HINDI NA NAMIN IDI DISCLOSE PUBLICLY, KUNDI MANANATILI NA LAMANG CLOSE DOOR SA MGA MEMBERS NG OHF. BILANG ISANG MEMBER NG OLA HARASSMENT FIGHTERS: Nakapag complaint ka na ba? Kung hindi pa, ini encourage namin kayo na mag complaint na, kung hindi nyo alam kung paano, magtanong lamang kayo at handa kayong tulungan ng mga kapwa nyo Fighters. Kumpleto ba mga ebidensya mo at matibay? nasa metro manila ka lang? i message mo ang OLA HARASSMENT FIGHTERS ACTION TEAM, at tutulungan ka namin. Kung tapos ka na mag complaint, ano ang susunod mong hakbang? Magmumukmok ba sa gilid? Maghihintay sa tabi? Hindi. LABAN! SULONG SA GIYERA LABAN SA MGA OLA! Paano mo gagawin? PUBLIC AWARENESS. Bilang isang Miyembro ng OLA HARASSMENT FIGHTERS, maari kang tumulong sa grupo sa pagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon o mga campaigns na ginagawa ng grupo na makakatulong sa publiko. Awareness sa publiko, kung bakit hindi sila dapat mangutang sa mga ola, kung anong klaseng kalbaryo ang kakaharapin nila kapag pinili nila mangutang sa OLA. Sa ganitong paraan, kapag naging aware ang publiko, maiiwasan nila umutang sa OLA. At kapag wala ng umutang sa mga OLA, patay ang negosyo nila. AND THATS WHERE WE WIN.



Comments


bottom of page